top of page
bg tab.png

MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA SA ANGAT NA NASALANTA NG BAGYO AT SAKIT, HINIMOK NA MAGPASA NG DAMAGE REPORT


Panawagan ngayon ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat sa lahat ng mga magsasaka, mangingisda, at nag-aalaga ng hayop na naapektuhan ng bagyo, baha, o anumang sakit ang pagsusumite ng kanilang damage assessment report upang makatanggap ng kaukulang tulong at suporta.


Inilabas ng MAO ang dalawang madaling hakbang para sa pagpoproseso at pagpapasa ng ulat ng pinsala para sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at Regional Office ng Department of Agriculture:

  • HAKBANG 1 (Pagdokumento): I-download ang DA GeoCamera - Advanced na mobile application. Gamitin ang app na ito upang kuhanan ng litrato ang mga nasalanta o naapektuhang pananim, alagang hayop, o palaisdaan.


  • HAKBANG 2 (Pag-file ng Report): Magsadya sa opisina ng Municipal Agriculture na matatagpuan sa 1st Floor ng Bagong Munisipyo ng Angat mula Lunes hanggang Huwebes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.


Inihayag din ng tanggapan na para sa mga araw na sarado ang munisipyo, maaaring magpadala ng mensahe o makipag-ugnayan sa opisyal na Facebook Page o Facebook Account ng Municipal Agriculture Office of Angat upang maipagpatuloy ang pag-aasikaso sa kanilang mga ulat at kahilingan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page