top of page
bg tab.png

Mga Mag-asawang Ikinasal Noong 1976, Inaanyayahang Magparehistro sa Brgy. Niugan

Naglabas ng mahalagang paunawa ang Pamunuan ng Senior Citizens Association ng Barangay Niugan para sa lahat ng mga nakatatandang residente kaugnay ng nalalapit na pagdiriwang ng Elderly Filipino Week and Month ngayong Oktubre 2026.


Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong mag-asawang kapwa buhay pa na:

  • Ikinasal noong taong 1976 (Simbahan man o Sibil)

  • Magdiriwang ng kanilang Golden Wedding Anniversary (50 taon ng pagsasama) ngayong taong 2026


Hinihimok ang mga kwalipikadong mag-asawa na magpatala sa Senior Citizens Association Office upang maisama sa opisyal na talaan ng mga pararangalan sa nasabing pagdiriwang.

Mga Kinakailangang Dalhin:

  • Kopya ng Marriage Certificate o anumang katibayan ng kasal

Lugar ng Pagpapatala:

  • Senior Citizens Association Office, 2nd Floor, Lumang Barangay Hall, Barangay Niugan, Angat, Bulacan


Ayon sa pamunuan, layunin ng gawaing ito na bigyang-dangal at pagkilala ang kalahating siglong pagmamahalan, katatagan, at pagsasama ng mga nakatatandang mag-asawa sa komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page