Mga Lokal na Banda, Magtatagisan sa Battle of the Bands sa Angat Food Park

Muling mapupuno ng musika, sigla, at rock and roll ang Angat Food Park 2026 sa gaganaping Battle of the Bands ngayong Biyernes, Oktubre 16, 2026, bilang pangunahing tampok sa ika-limang gabi ng pagdiriwang.
Magtatagisan ng husay sa pagtugtog at pag-awit ang iba't ibang lokal na banda upang maghatid ng natatanging pagtatanghal at maipamalas ang kanilang angking talento sa entablado.
Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang kompetisyon ay naglalayong suportahan at bigyang-diin ang talento ng mga lokal na musikero sa bayan, habang naghahatid ng masayang libangan para sa mga pamilya, magkakaibigan, at mga mamamayang bumibisita sa Food Park.
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang buong komunidad na dumalo, makiisa sa tugtugan, at suportahan ang mga kalahok na banda habang tumatangkilik sa mga lokal na kainan at negosyo sa bayan.










Comments