Mga Kinatawan ng MDRRMO Angat, Matagumpay na Nagsipagtapos sa Integrated Planning Incident Command System Level II Training

Matagumpay na nagtapos ang limang araw na pagsasanay sa Integrated Planning Incident Command System (IPICS) Level II na ginanap mula Oktubre 19 hanggang Oktubre 23, 2026, sa El Vistra Hotel, Lungsod ng San Fernando, Pampanga.
Ang nasabing pagsasanay ay isinagawa sa pangunguna ng Bulacan Council of DRRMOs Inc. kung saan higit sa tatlumpung kinatawan mula sa iba't ibang City at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (CDRRMO/MDRRMO) sa Lalawigan ng Bulacan ang nakiisa at nagsipagtapos sa mabusising pagpaplano para sa pagtugon sa mga insidente.
Sa pagtatapos ng programa, binigyang-diin ng Pangulo ng Bulacan Council of DRRMOs Inc. na si G. Peter John Vistan ang kahalagahan ng matatag na kolaborasyon sa pagitan ng mga bayan at lungsod sa Bulacan. Aniya, ang mga nagsipagtapos sa IPICS Level II ang kinikilalang pioneer batch na patuloy na tututukan para sa mas matatag na lalawigan.
Nagpaabot din ng kaniyang mensahe si OIC-Municipal Administrator at MGDH I (MDRRMO) Carlos R. Rivera Jr. ng Bayan ng Angat, kung saan binigyang-diin niya na ang pagsasanay ay hindi lamang paghahanda para sa sariling bayan kundi para sa buong lalawigan upang maipagkaloob ang tapat at nararapat na serbisyo sa mamamayan.
Kabilang sa mga matagumpay na nakapagtapos mula sa Angat MDRRMO sina Gladys V. Libunao, Jerico Emmanuel M. Saligao, at Clarence Emmanuel B. Alba. Taos-pusong nagpasalamat ang Angat MDRRMO kay Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Reynante "Jowar" S. Bautista para sa walang sawang pagsuporta sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga rescue personnel sa bayan.










Comments