top of page
bg tab.png

Mga Kandidata ng Dyosa ng GulayAngat 2026, Magtatagisan Ngayong Gabi

Oct 17
1 min read

Inihanda ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang inaabangang Dyosa ng GulayAngat 2026, na gaganapin ngayong Sabado, Oktubre 17, 2026, sa New Municipal Grounds bilang bahagi ng pagdiriwang ng Angat Food Park 2026.


Magsasama-sama ang mga natatanging kandidata upang ipamalas ang kanilang angking ganda, talento, katalinuhan, at kakaibang personalidad sa entablado upang makamit ang korona.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang patimpalak ay naglalayong magbigay ng pantay na oportunidad at malayang entablado para sa sektor ng LGBTIQ+ community sa bayan, habang naghahatid ng masaya at makulay na libangan para sa mga mamamayang Angatenyo at mga bisita ng Food Park.


Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang buong komunidad na dumalo at suportahan ang kani-kanilang pambato habang tumatangkilik sa masasarap na pagkain mula sa mga lokal na negosyante sa bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page