top of page
bg tab.png

Mga Kagamita sa Pagsasaka, Pinamahagi ni Mayor Jowar


Ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang namuno sa pamimigay ng mga kagamitang pangtanim para sa ating mga kababayang magsasaka. Sa nasabing programa, sampung (10) kooperatibang magsasaka ang napagkalooban ng mga makabagong kasangkapan para sa kanilang pagsasaka. Ang hakbang na ito ay isa sa mga tugon ng ating Pamahalaang Bayan sa mga pangunahing pangangailangan ng sektor ng agrikultura sa bayan.

Kasama sa aktibidad na ito ang ating mga konsehal na sina Kon. William Vergel De Dios, Kon. Melandro Tigas, at Kon. Darwin Calderon, na nagpakita rin ng kanilang suporta. Kasama rin sa pangunguna ng nasabing programa ang mga dedikadong kawani mula sa Tanggapan ng Pagsasaka ng ating Munisipyo, sa ilalim ng pamumuno ni Bb. Ira Cruz.


6 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page