top of page
bg tab.png

Mga Kabataang Lider ng Angat, Tatayo Bilang mga Opisyal sa Pagbubukas ng Boys and Girls Week 2026


Magsisimula na sa darating na Setyembre 7 hanggang 12, 2026, ang taunang pagdiriwang ng Boys and Girls Week 2026 na inorganisa ng Angat Local Youth Development Council (LYDC Angat) na may temang "Voices for Good Governance."


Tampok sa naturang selebrasyon ang pag-upo ng mga napiling mag-aaral mula sa pitong (7) pampubliko at pribadong sekondaryang paaralan sa bayan upang pansamantalang gumanap bilang mga lokal na pinuno at opisyal ng pamahalaan. Layunin ng programang ito na bigyan ang mga kabataan ng direktang karanasan sa pampublikong paglilingkod, pataasin ang kanilang kamalayan sa civic participation, at linangin ang responsable at tapat na pamumuno.



Kabilang sa mga kalahok na paaralan ang:

  • Angat National High School

  • Angel M. Del Rosario Memorial High School

  • Binagbag National High School

  • Colegio de Sta. Monica de Angat

  • Lourdes College of Bulacan, Inc.

  • President Diosdado P. Macapagal Memorial High School

  • St. Joseph Kalinangan Integrated School, Inc.


Sa pamamagitan ng mga diyalogo kasama ang mga kasalukuyang lider ng bayan at pakikilahok sa iba't ibang gawaing pampamahalaan, inaasahang mas maipapahayag ng mga kabataan ang kanilang mga adhikain at mas mauunawaan ang gampanin ng mabuting pamamahala (good governance) sa ikauunlad ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page