Mga Iskolar sa Angat, Nagsimula na sa TESDA Bread and Pastry Training

Opisyal nang sinimulan ang Training Induction Program (TIP) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa kwalipikasyong Bread and Pastry Production NC II sa Old Municipal Building Conference Hall sa Bayan ng Angat.
Ginanap ang oryentasyon para sa mga bagong napiling iskolar sa pangangasiwa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat, katuwang ang Colegio de San Martin bilang opisyal na training school. Sa pamamagitan ng programang ito, tuturuan ang mga kalahok ng mga batayang kasanayan sa paggawa ng tinapay, mga pastry, at pagdekorasyon ng mga gawa sa tinapay at panghimagas.
Ang nasabing pagsasanay ay naisakatuparan sa inisyatibo ni Kongresista Salvador "Ador" Pleyto, sa pakikipagtuwang kay Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista at sa Pamahalaang Bayan ng Angat, upang magkaloob ng kapaki-pakinabang na programang pangkabuhayan sa mamamayan.
Ayon sa PESO Angat, ang pagdalo sa induction program ang unang hakbang ng mga iskolar upang makakuha ng National Certificate (NC II) mula sa TESDA, na magbubukas ng pinto para sa mga lokal at foreign na oportunidad sa trabaho at negosyo sa industriya ng pagkain.










Comments