Mga Day Care Centers sa Angat, Binigyan ng mga Bagong Stove at Dispenser
- Angat, Bulacan
- 7 hours ago
- 1 min read

Upang masiguro ang malinis, maayos, at ligtas na paghahanda ng pagkain para sa mga batang Angatenyo, nagpamahagi ang Pamahalaang Bayan ng Angat ng mga bagong kagamitang pangkusina para sa mga lokal na daycare centers.
Ang pamamahagi ay isinagawa sa Municipal Auditorium bilang paghahanda sa opisyal na pagpapatupad ng 16th Cycle Supplemental Feeding Program sa buong bayan.
Benepisyaryo ng mga bagong gamit ang 22 Child Development Centers (CDCs)Â at ang National Child Development Center (NCDC)Â na naglilingkod sa iba't ibang barangay ng Angat. Kabilang sa mga ipinagkaloob na kagamitan ay ang mga sumusunod:
2-burner gas stove
LPG tank na may kasamang regulator
Water dispenser

Ang mga kagamitang ito ay malaking tulong sa mga Child Development Workers at mga magulang upang higit na mapabuti, mapabilis, at mapanatiling ligtas ang pagluluto at paghahanda ng mga masustansyang pagkain para sa mga batang benepisyaryo ng programa.
Ayon sa Pamahalaang Bayan, patuloy nitong pinalalakas ang mga programang nagtataguyod ng wastong nutrisyon, kalusugan, at maayos na pag-unlad ng mga kabataan sa bayan ng Angat.





