MENRO Angat, Nakiisa sa Tree Planting Activity ng PMMHS
- Angat, Bulacan

- Nov 24
- 1 min read

Kaisa ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Angat sa matagumpay na isinagawang Tree Planting Activity noong Nobyembre 18, 2025.
Ang inisyatiba ay pinangunahan ng President Diosdado P. Macapagal Memorial High School (PMMHS), bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng balanseng ekolohiya.
Ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang kamalayan ng mga mag-aaral at komunidad hinggil sa kahalagahan ng pagtatanim ng puno bilang:
Proteksyon laban sa pagbabago ng klima (climate change).
Pagbawas ng polusyon.
Pagpapaganda ng kapaligiran.
Pinangunahan ni MENRO Engr. Eveliza J. De Guzman, katuwang ang mga kawani ng munisipyo at mga mamamayan, ang tree planting na nagbigay-diin sa sama-samang pagkilos para sa mas luntiang Angat.









Comments