top of page
bg tab.png

MENRO Angat, Nakiisa sa Pambansang Pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month 2026

Sep 26
1 min read

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Angat), sa taunang pagdiriwang ng Philippine Bamboo Month ngayong buwan ng Setyembre 2026.


Alinsunod sa probisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), layunin ng pagdiriwang na palakasin ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng kawayan bilang isang mahalagang likas na yaman na nag-aambag sa pagbuo ng mas luntian, matatag, at napapanatiling komunidad.


Hinihikayat ng MENRO Angat ang lahat ng Angateño na matutunan ang wastong pagtatanim, pangangalaga, at responsableng paggamit ng kawayan. Bukod sa malaking tulong nito sa pagpigil sa pagguho ng lupa at pagbaha, isa rin itong mabisang pinagmumulan ng kabuhayan at oportunidad sa negosyo para sa mamamayan.


Patuloy ang MENRO at ang lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng mga programang pangkalikasan upang tiyakin ang mas malinis, ligtas, at sustainable na kapaligiran para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page