top of page
bg tab.png

MENRO Angat, Nakiisa sa Pagdiriwang ng World Environmental Health Day

1 day ago
1 min read

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Angat), sa pandaigdigang pagdiriwang ng World Environmental Health Day.


Sa pamamagitan ng isang pabatid, binigyang-diin ng MENRO Angat ang direktang ugnayan ng malinis na kapaligiran sa mabuting kalusugan ng bawat mamamayan. Paalala ng tanggapan, ang simpleng tamang pagtatapon ng basura at pagpapanatili ng kalinisan sa paligid ay may malaking ambag sa pagbuo ng mas malusog at ligtas na komunidad.


Hinimok din ng MENRO ang lahat ng Angateño na maging responsableng tagapangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng maliliit ngunit tuloy-tuloy na hakbang upang pakinabangan din ito ng mga susunod na henerasyon.


Patuloy ang MENRO sa pagtataguyod ng mga inisyatiba at kampanyang naglalayong panatilihing malinis, maayos, at ligtas ang kapaligiran para sa pangkalahatang kapakanan at kalusugan ng buong Bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page