top of page
bg tab.png

MENRO Angat, Eco Awareness Advocate Awardee


ree

Isang malaking karangalan ang iginawad sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Angat matapos itong kilalanin bilang Eco Awareness Advocate Awardee.

Ipinagkaloob ang parangal sa ginanap na 4th Quarter Provincial Solid Waste Management Board (PSWMB) Meeting noong Nobyembre 27, 2025, sa Provincial Capitol ng Bulacan sa Malolos City.


Ang pagkilala ay patunay ng walang sawang dedikasyon ng MENRO Angat, sa pangunguna ni MENRO Engr. Eva Julian De Guzman, at sa buong suporta ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista.


Kabilang sa mga programa ng MENRO na kinilala ang:


  • Pagsusulong ng eco-awareness.

  • Mahusay na solid waste management.

  • Pangangalaga sa kalikasan.


Ayon sa MENRO, ang tagumpay na ito ay tagumpay ng buong komunidad at nagpapatunay na "ang pagkakaisa para sa kalikasan ay daan tungo sa mas malinis, mas maayos, at mas maunlad na kinabukasan."

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page