MDRRMO ng Angat, Lumahok sa 2nd Local Climate and Disaster Resilience Conference sa Davao
- angat bulacan
- Oct 28
- 1 min read

LUNGSOD NG DAVAO — Lumahok ang mga kinatawan mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayan ng Angat, Bulacan sa 2nd Local Climate and Disaster Resilience Conference na ginanap noong Oktubre 22 hanggang 25, 2025 sa Lungsod ng Davao.
Kabilang sa mga dumalo sina Ma. Lourdes A. Alborida at Gladys V. Libunao, na nakiisa sa mga talakayan ukol sa kasalukuyang kalagayan ng lokal na klima at sa lumalalang epekto ng pagbabago ng panahon sa bansa.
Naging interaktibo ang mga sesyon, kung saan tinalakay ang mga hakbang at estratehiya upang mapalakas ang kahandaan at katatagan ng mga lokal na pamahalaan sa harap ng mga sakuna at epekto ng climate change.
Ipinapakita ng kanilang pagdalo ang patuloy na pagtutok ng Bayan ng Angat sa pagbubuo ng mas matibay at handang komunidad laban sa mga hamon ng nagbabagong klima.









Comments