top of page
bg tab.png

MDRRMO, Nakiisa sa Matagumpay na GULAYAngat Lakbay Takbong Angat


ree

Angat, Bulacan — Aktibong nakiisa ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa isinagawang GULAYAngat Lakbay Takbong Angat, isang Fun Run event na bahagi ng selebrasyon ng lokal na pamahalaan.


Bago ang aktibidad, pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO) ang Incident Briefing sa MDRRMO Operations Center upang ilahad ang mga detalye ng seguridad at kaligtasan ng mga kalahok. Tinalakay dito ang mga koordinasyon at istratehiya para sa mabilis na pagtugon sakaling magkaroon ng emerhensiya.


Katuwang ng MDRRMO sa pagbibigay ng medical assistance ang Angat Rural Health Unit at Lying-In Clinic, na nakaantabay sa buong takbuhan upang magbigay ng agarang tulong sa mga nangangailangan.


Sa kabuuan, naging mapayapa at ligtas ang buong aktibidad — walang naitalang insidente o emerhensiya, ayon sa opisyal na ulat ng MDRRMO.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page