top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Nag-ikot sa mga Sementeryo sa ilalim ng Blue Alert Status para sa Undas 2026

2 days ago
1 min read

Nagsagawa ng inspeksyon at pag-iikot ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mga pangunahing pampubliko at pampribadong sementeryo sa buong Bayan ng Angat.


Layunin ng nasabing operasyon na masubaybayan ang kalagayan ng mga mamamayang nagtutungo upang bumisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay at makapagbigay ng agarang interbensyon o tulong-medikal kung kinakailangan.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas pinaigting na operasyon ng Angat Rescue Team (ART) at MDRRMO sa ilalim ng Blue Alert Status na kasalukuyang umiiral sa Emergency Operations Center ng munisipalidad.


Ayon sa pamunuan ng MDRRMO, patuloy ang walang sawang pagbibigay ng tapat at mabilis na serbisyo ng buong hanay ng rescue at emergency personnel para sa seguridad at kaligtasan ng bawat Angatenyo ngayong Undas.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page