top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Tumulong sa Seguridad ng Fluvial Parade sa Norzagaray


ree

Tumugon ang Bayan ng Angat at ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat sa kahilingan ng katabing Bayan ng Norzagaray para sa pagpapaigting ng seguridad sa ginanap na Fluvial Parade noong Nobyembre 29, 2025.


Ang fluvial parade ay isinagawa bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng Patron ng Norzagaray, si San Andres Apostol.


Ayon sa direktiba ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, na siya ring MDRRM Council Chairman, nagpadala ang Angat ng kaukulang Angat Rescue Team at mga kagamitan upang makatulong sa pagtiyak ng kaligtasan sa idinaos na aktibidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page