MDRRMO Angat, Tuloy ang Pag-iikot sa Ika-6 na Araw ng Oplan SUMVAC
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Hindi nagpapaabot ng pagod ang puwersa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bayan ng Angat sa patuloy na pagpapatupad ng Oplan SUMVAC 2026.
Sa ikaanim na araw ng operasyon, masiglang ipinagpapatuloy ng mga responders ang pagbabantay sa kaligtasan ng mga mamamayan at turistang nasa kailugan.
Muling binisita ng MDRRMO Rescue Angat ang mga barangay na kinilalang "Hotspot Zones" o yaong mga lugar na dinaragsa ng mga naliligo dahil sa ganda at linis ng Ilog Angat. Layunin ng pag-iikot na ito na matiyak na walang magaganap na aksidente habang tinatapos ng marami ang kanilang bakasyon bago ang pagbabalik-trabaho at eskwela.
Pangunahing binigyang-diin sa mga paalala ng departamento ang mga sumusunod:
Child Safety: Paalala sa mga magulang na bantayan nang maigi ang mga bata at huwag silang hahayaang lumangoy nang walang kasamang nakatatanda.
Property Security: Pagbabantay sa mga dalang kagamitan upang maiwasan ang pagkawala o anumang insidente ng nakawan sa paligid.
Vigilance: Pananatiling mapagmatyag sa agos at lalim ng tubig sa bawat oras.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng commitment ng Lokal na Pamahalaan na gawing Handa, Ligtas, at Panatag ang bawat Angatenyo at bisita. Sa kabila ng pagdagsa ng tao, nananatiling naka-standby ang ating mga medical team at rescuers para sa anumang emergency na maaaring maganap sa kailugan.









Comments