top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Pinangunahan ang Flag Raising Ceremony


Sa layuning simulan ang linggo nang may disiplina at pananampalataya, pinangunahan ng mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat nitong Lunes.


Ang aktibidad ay sinundan ng isang Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Lex Cabais, na nagbigay ng mensahe ng pag-asa at inspirasyon para sa lahat ng mga lingkod-bayan.

Dinaluhan ang nasabing programa nina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista at Pangalawang Punong Igg. Bayan Arvin Agustin. Kasama rin sa nakiisa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. JP Solis, Kon. Wowie Santiago, Kon. Blem Cruz, at Kon. William Vergel De Dios.


Nagpakita rin ng suporta ang mga katuwang na ahensya sa seguridad at kaligtasan, kabilang ang mga opisyal at tauhan mula sa Angat PNP at Angat BFP, kasama ang lahat ng mga kawani ng iba't ibang departamento ng Munisipyo.


Ang lingguhang pagtitipon na ito ay bahagi ng tradisyon ng Lokal na Pamahalaan upang pagbuklurin ang mga kawani at ihanda ang bawat isa sa pagbibigay ng tapat at mahusay na serbisyo para sa mga Angatenyo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page