MDRRMO Angat, Nakiisa sa Ginanap na Opening ng Responder’s Day 2026 sa Guiguinto

Ngayong Oktubre 7, 2026, ang opisyal na pagbubukas ng Responder’s Day 2026: Basketball and Bowling Tournament sa Guiguinto Municipal Athletic and Cultural Center.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Bulacan Council of DRRMOs Inc. upang magbigay-karangalan, pagkilala, at pagpupugay sa mga tagapagligtas ng buhay sa buong lalawigan ng Bulacan.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ng pangulo ng samahan na si G. Peter Vistan ang kahalagahan ng pagkilala sa mga natatanging responder ng lalawigan. Dagdag pa ni G. Vistan, ang simpleng pagkilalang ito ay naglalayong magtaas ng lebel ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng bawat City at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO/MDRRMO) sa Bulacan.
Nagpaabot din ng mensahe ng pagtanggap at pagkilala ang Punong Bayan ng Guiguinto na si Igg. Ambrosio Cruz Jr. sa lahat ng mga dumalo at nakiisang kinatawan.
Nakiisa sa nasabing palaro ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Angat sa pangunguna ni OIC-Municipal Administrator at MGDH I (MDRRMO) Carlos R. Rivera Jr. Ang paglahok na ito ng Angat Rescue Team ay may buong suporta mula kay Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista upang patuloy na patatagin ang samahan at kasanayan ng mga responder sa lalawigan.










Comments