top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Nakiisa sa Buwanang Pagpupulong ng mga DRRM Officers sa Bulacan


Bilang bahagi ng pagpapatatag sa seguridad at kahandaan ng lalawigan, dinaluhan ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang Bulacan Council of Disaster Risk Reduction and Management Officers Monthly Meeting na ginanap sa Cayetano Hall, Bulacan Agricultural State College (BASC), Pinaod, nitong ika-26 ng Pebrero, 2026.


Kinatawan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO) ang Bayan ng Angat sa nasabing pagtitipon. Kasama sa mahahalagang panauhin at opisyales na dumalo ay sina G. Manuel M. Lukban mula sa Provincial DRRM Office (PDRRMO) ng Bulacan, at si Hon. Fernando S. Galvez Jr.


Ang pangunahing agenda ng pagpupulong ay nakatuon sa mga aktibidad na isasagawa sa darating na buwan ng Marso. Binigyang-diin ang plano na mas palakasin ang kapasidad at kakayahan ng mga Barangay DRRM Committee (BDRRMC) sa buong lalawigan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page