top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Naghatid ng Medical Support sa 80th Founding Anniversary ng Pandi


Sa diwa ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, nagpadala ng standby medics ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang magbigay ng suportang medikal sa Bayan ng Pandi nitong ika-18 ng Abril, 2026.


Ang pag-agapay ng Angat Rescue Team ay bilang tugon sa paanyaya ng Bayan ng Pandi para sa kanilang 80th Founding Anniversary Concert. Layunin ng inisyatibong ito na masiguro ang kaligtasan at agarang pagtugon sa anumang medikal na pangangailangan ng mga mamamayang dumalo sa nasabing pagdiriwang.


Sa ilalim ng pamumuno ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO), agad na tumugon ang Angat Rescue Team sa kahilingang magpadala ng kaukulang tauhan. Ang presensya ng mga rescue personnel ay nagsilbing karagdagang seguridad upang maging payapa at maayos ang daloy ng malaking event sa nasabing bayan.


Binigyang-diin ng MDRRMO Angat na ang kaligtasan ay walang hangganan. Ang ganitong uri ng kolaborasyon sa pagitan ng mga munisipalidad ay mahalaga upang makabuo ng isang mas matatag at "Ligtas na Komunidad" sa lalawigan ng Bulacan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page