MDRRMO Angat, Magtatalaga ng Standby Medic para sa Solidarity Walk ng Colegio de Sta. Monica de Angat

Personal na nakipagpulong sa tanggapan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat kahapon, Nobyembre 26, 2026, ang kinatawan ng Colegio de Sta. Monica de Angat (CSMA) na si Raymund Rivera, kasama si Barangay Sta. Cruz Punong Barangay Mille Cruz, upang pagplanuhan ang seguridad at kaligtasan para sa nalalapit nilang aktibidad.
Sentro ng naging talakayan ang maayos na koordinasyon at paghahanda para sa Solidarity Walk na pangungunahan ng CSMA sa darating na Disyembre 12, 2026.

Bilang bahagi ng suporta ng lokal na pamahalaan, tiniyak ng MDRRMO Angat na magtatalaga ito ng Standby Medic sa buong oras ng aktibidad upang masiguro ang agarang medikal na pagtugon at kaligtasan ng lahat ng mga kalahok.
Patuloy naman ang bukas na pakikipagtulungan ng MDRRMO Angat sa mga paaralan at institusyon sa bayan upang itaguyod ang isang komunidad na handa, ligtas, at panatag.










Comments