Kahandaan sa Sakuna at El Niño Action Plan, Tinalakay sa 4th Quarter MDRRMC Meeting sa Angat

Matagumpay na isinagawa sa Municipal Conference Hall ang ikaapat na pagpupulong (4th Quarter Meeting) ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Bayan ng Angat, sa pangunguna ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Carlos R. Rivera Jr.
Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ni Punong Bayan Igg. Reynante “Jowar” S. Bautista, kasama ang mga miyembro ng MDRRMC, mga kinatawan ng Angat Municipal Police Station (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Civil Society Organizations (CSOs), at mga pinuno at kawani ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Angat.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay sa pulong ang mga sumusunod:
4th Quarter Accomplishment Report na sumasaklaw sa apat na haligi ng pamamahala sa sakuna: disaster prevention and mitigation, preparedness, response, at rehabilitation and recovery;
Mga nakalinyang proyekto, programa, at aktibidad ng konseho; at
Mga ulat at hakbang na nakapaloob sa El Niño Action Plan mula sa MDRRMO, Department of Education (DepEd) – Angat District, Rural Health Unit (RHU), Municipal Planning and Development Office (MPDO), at Municipal Agriculture Office (MAO).
Patuloy namang pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mahigpit na koordinasyon at kahandaan ng bawat sektor upang matiyak ang maagap at epektibong pagtugon sa anumang sakuna at panganib, tungo sa isang mas ligtas at matatag (resilient) na pamayanan.










Comments