top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Isinagawa ang 'Community Risk Assessment' sa San Roque at Binagbag


Sa patuloy na pagpapaigting ng proteksyon at katatagan ng komunidad laban sa mga kalamidad, muling isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang Community Risk Assessment (CRA) ngayong Hulyo 17, 2026.


Ang nasabing inisyatiba ay isinakatuparan sa ilalim ng pamumuno ng Puno ng Konseho at Punong Bayan ng Angat, Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, at sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO).



Nagtungo ang CRA Team ng MDRRMO sa Barangay San Roque sa pangunguna ni Kapitan Igg. Nerio Santiago Valdesco, pati na rin sa Barangay Binagbag sa pangunguna naman ni Kapitan Igg. Christopher Villarama.


Sa pamamagitan ng CRA, masusing tinukoy ng koponan ang mga pangunahing banta sa buhay at ari-arian ng mga mamamayan sa dalawang barangay sa oras ng sakuna, partikular na ang peligro ng pagbaha at matinding pag-ulan.


Bukod sa pagsusuri sa mga lugar na madalas bahain, nagkaroon din ng konsultatibong panayam kasama ang mga pinuno at residente ng barangay. Layunin nitong buuin ang mga nararapat na action plans, mga ligtas na evacuation routes, at mga localized na estratehiya upang mabilis na makatugon sa anumang emergency.


Ang gawaing ito ay nagkataon din sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo, na nagtataglay ng temang “Naghahanda at Kumikilos tungo sa Panatag at Bagong Pilipinas.”


Ayon sa MDRRMO Angat, ang kahandaan ng bawat barangay ang pangunahing haligi ng kabuuang kaligtasan ng buong bayan. Sa pamamagitan ng direktang pagbisita at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na lider, tinitiyak ng Pamahalaang Bayan ng Angat na ang bawat pamilya ay ligtas, maalam, at handa sa anumang banta ng panahon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page