MDRRMO Angat, Ipinagpatuloy ang Search and Retrieval Operation sa Araw ng Pasko
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read
Updated: 10 hours ago

Sa halip na ipagdiwang ang Kapaskuhan sa kani-kanilang tahanan, mas pinili ng mga kawani ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) - Angat Rescue na ipagpatuloy ang kanilang tungkulin ngayong Disyembre 25, 2025.
Muling sumabak ang koponan sa kailugan ng Angat para sa ikalawang araw ng Search and Retrieval Operation kaugnay ng insidente ng pagkalunod sa Poblacion, Norzagaray. Sa ilalim ng direktang superbisyon nina G. Carlos R. Rivera Jr. (MDRRMO Head) at Maria Lilibeth Trinidad (Operations and Warning), puspusan ang paggamit ng mga specialized assets gaya ng Rescue Boat, Outboard motors, at iba pang kagamitang pang-sagip.
Ang dedikasyong ito ng mga aktibo at kahit ng mga off-duty na responders ay naglalayong mabigyan ng kasagutan ang pamilya ng biktima sa lalong madaling panahon.








Comments