MDRRMO ANGAT | BASIC INCIDENT COMMAND SYSTEM TRAINING
- Angat, Bulacan
- Mar 14
- 1 min read

Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay nakiisa sa pagsasanay sa Basic Incident Command System (BICS) training na ginanap sa City of Malolos, Bulacan.
Ang nasabing pagsasanay ay isang inisyatiba ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na mas patatagin ang Disaster Response sa buong lalawigan ng Bulacan.
Binisita ni Bulacan Local DRRM Officer Manuel Lukban Jr. ang pagsasanay upang personal na makita ang ensayong isinasagawa ng mga C/MDRRM personnel.
Ayon kay G. Lucban ay napakahalaga na mapag aralan ang Incident Command System at unti-unti na maibaba sa lokal na lebel ang pagsasanay na ito upang mas mapagtagumpayang ang isang Disaster Resilient na lalawigan.
Kaisa ang Punong Bayan ng Angat Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista sa inisyatiba na patatagin ang mamamayan sa panahon ng kalamidad sa pamamagitan ng mga proyektong magpapababa sa mga dulot ng sakuna tulad ng pagbabaha. Gayundin ang pagpapalakas sa mga tauhan sa ilalim ng MDRRMO Angat sa tulong ng pagsasagawa nang iba't-ibang pagsasanay patungkol sa disaster.
Ang paglalaan ng tamang pondo sa opisina ng MDRRMO ay isang patunay na mapaglingkuran ang taumbayan sa pagsasaalang-alang ng kaligtasan ng bawat Angateño.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments