top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat at Rotary Club, Magkakasa ng Earthquake Drill sa Parokya ni Sta. Monica

Jul 2
1 min read

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan kahit sa loob ng mga lugar-sambahan, nagpulong ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at mga kinatawan mula sa Rotary Club of Angat para sa gaganaping Earthquake Drill ngayong darating na Linggo.


Ang pagpupulong ay pinangunahan ni MDRRM Officer G. Carlos R. Rivera Jr., kasama ang mga kawani ng departamento at ang Angat Rescue Team. Ito ay bunsod na rin ng pag-aproba at suporta ni Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista sa inihandang programa ng grupo.


Sumentro ang talakayan sa paglalatag ng malawakang oryentasyon para sa mga mananampalataya ng Parokya ni Sta. Monica. Layunin nitong magbahagi ng tamang kaalaman ukol sa mga dapat gawin sa gitna ng mga naitatalang paglindol sa iba't ibang panig ng mundo, lalo na sa oras ng pagsisimba kung kailan marami ang tao sa loob ng gusali.


Bilang paunang hakbang, agad ding nagsagawa ng risk assessment ang Angat Rescue Team sa mismong istruktura ng simbahan sa atas na rin ni G. Rivera. Mahalaga ito upang matukoy ang mga ligtas na labasan (evacuation routes) at maayos ang mga posibleng panganib bago pa man dagsain ng mga tao ang aktibidad.


Bukod sa paghahanda sa kalamidad, nag-abot din ang MDRRMO ng mga fruit-bearing trees o mga punong namumunga para sa Rotary Club of Angat. Bahagi pa rin ito ng isinusulong na kampanya sa bayan na pag-isahin ang kahandaan sa sakuna at ang pangangalaga sa kalikasan.


Ang inisyatibong ito ay patunay na ang Bayan ng Angat ay aktibong naghahanda at kumikilos upang masiguro ang isang panatag, ligtas, at matatag na pamayanan para sa bawat mamamayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page