top of page
bg tab.png

MDRRMC Angat, Nagpatawag ng Emergency Meeting dahil sa Matinding Pagbaha; mga Evacuation Center, Binuksan na


Agad na nagpatawag ng agarang pagpupulong ang Punong Bayan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Chairman Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista upang suriin at tugunan ang epekto ng patuloy na malakas na pag-ulan sa Bayan ng Angat.


Ginanap ang pulong sa Emergency Operations Center (EOC) na matatagpuan sa ikalawang palapag ng MDRRMO Building, kung saan nakipagpulong ang alkalde sa iba't ibang departamento at ahensya ng lokal na pamahalaan. Kabilang sa mga dumalo ang MDRRMO, MSWDO, MHO, MEO, MAO, MPDO, kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP-Angat) at Philippine National Police (PNP-Angat).



Sa naging ulat ni MDRRM Officer Carlos R. Rivera Jr., ipinabatid nitong nagbukas na ng mga evacuation center sa ilang barangay matapos pasukin ng baha ang ilang kabahayan dahil sa walang patid na buhos ng ulan na dulot ng pinalakas na Hanging Habagat (Enhanced Southwest Monsoon).


Dahil dito, agad na nag-utos si Mayor Bautista sa mga kawani at ahensya ng pamahalaang lokal na bumaba sa mga barangay at mabilis na magpaabot ng saklolo at tulong sa mga apektadong residente.


Nananatiling nakataas sa "All Hands on Deck" at 24/7 na operasyon ang Emergency Operations Center para sa patuloy na pagmo-monitor at mabilis na pagresponde sa mga emergency sa buong bayan.


Para sa mga nangangailangan ng saklolo o emergency rescue, makatutugon ang Angat Rescue Hotline:

  • Smart/Sun: 0923-926-3393

  • Globe: 0917-710-5087

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page