MDRRMC Angat, Isinagawa ang 3rd Quarterly Meeting para sa Pagpapatibay ng Disaster Management at Disaster Preparedness

Isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Angat ang kanilang 3rd Quarterly Meeting upang talakayin ang mga pangunahing programa, proyekto, at hakbangin para sa patuloy na pagpapalakas ng kahandaan at kapasidad ng bayan sa pagtugon sa mga sakuna at emergency.
Pinangunahan ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Carlos R. Rivera Jr. ang pagpupulong, na dinaluhan din nina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Konsehal John Patrick “JP” D.C. Solis, Kap. ABC Alex Tigas, pati na rin ng mga kinatawan mula sa Civil Society Organizations (CSOs), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross (PRC), at iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan.

Tinalakay sa pagpupulong ang 3rd Quarter Accomplishment Report na sumasaklaw sa apat na pangunahing haligi ng disaster management: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery.
Kabilang din sa mga iniharap para sa pag-apruba ng konseho ang panukalang Early Warning System Standard Operating Procedure at ang Responder Handbook, na layuning magbigay ng mas malinaw at organisadong gabay sa panahon ng kalamidad. Binalangkas din ang mga paghahanda para sa Gawad Kalasag Desk Assessment and Validation.
Binigyang-diin ng Pamahalaang Bayan ng Angat na sa pamamagitan ng regular na pagpupulong ng MDRRMC, patuloy na pinagtitibay ang koordinasyon ng bawat sektor upang matiyak ang maagap, ligtas, at epektibong pagprotekta sa buhay at ari-arian ng mamamayan.











Comments