top of page
bg tab.png

MDMS: Tamang Datos para sa Mabuting Pagpaplano



Nakibahagi ang mga Punong Barangay, Secretary at SK Chairman sa pagpupulong para sa bagong programa ng Pamahalaang Bayan - ang Municipal Database Monitoring System (MDMS).


Pinangunahan ni Engr. Arnel Trinidad ang pagpupulong at nagbigay ng mahalagang kaalaman hinggil sa MDMS. Layunin ng programa na makalap ng tamang datos tungkol sa ating mga mamamayan at kanilang pamumuhay, upang mas mapabuti ang pagpaplano ng mga programa para sa bawat Angatenyo.


Kasabay ng MDMS, nagbahagi rin sina Engr. Alleli Cruz at Engr. Jhadiel Gonzales ng mga plano ukol sa Road Network Inventory at Declaration of Real Property.


Ang pagtitipon ay sinaksihan nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Darwin Calderon, Kon. Blem Cruz, Municipal Administrator Noel Alquino at MPDO Belen Avestruz.

5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page