top of page
bg tab.png

Mayor Jowar, Umiikot sa mga Evacuation Center sa Kasagsagan ng Bagyong #UwanPH


ree

Ipinakita ni Punong Bayan at MDRRM Council Chairperson Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista ang "Aktibong Lokal na Pamahalaang Bayan" matapos siyang personal na umikot sa mga apektadong barangay ngayong araw, Nobyembre 9, 2025, upang tiyakin ang kalagayan ng mga Angateñong apektado ng Bagyong #UwanPH.


Kasama sa pag-iikot ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Angat PNP upang masigurong sapat ang mga kagamitan at tulong para sa mga pamilya.


Maraming Angateño ang lumikas dahil sa patuloy na bugso ng bagyo. Ayon sa datos mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mayroong anim (6) na naitalang bukas na Barangay Evacuation Centers:


  • Sta. Cruz

  • Sto. Cristo

  • San Roque

  • Niugan

  • Banaban

  • Laog


Personal na binisita ng Punong Bayan ang mga barangay na may mga Internally Displaced Persons (IDPs) upang makita ang kanilang kalagayan at maihatid ang kinakailangang tulong.


Ipinag-utos ng Punong Bayan na gamitin ang lahat ng kinakailangang kagamitan ng Bayan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan. Ang bawat kawani, kabilang ang Punong Bayan, ay naka-tauhan sa Emergency Operations Center para sa patuloy na koordinasyon at pagsubaybay sa sitwasyon ng Bagyong #UwanPH.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page