Mayor Jowar, Sinaluduhan ang Giting at Sakripisyo ng mga Solo Parents
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Isang madamdaming pagkilala ang ipinaabot ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista para sa sektor ng mga Solo Parents sa bayan ng Angat bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng Punong Bayan ang kanyang mataas na paghanga sa tatatag at sakripisyo ng mga magulang na mag-isang itinataguyod ang kanilang mga anak. Ayon kay Mayor Jowar, ang mga solo parents ang simbolo ng "tunay na pusong matatag" at dedikasyon sa pamilya.
"Sa bawat solo parent na araw-araw lumalaban para sa pamilya, saludo ako sa inyong lakas at dedikasyon," saad ng Mayor. Tiniyak din niya na hindi nag-iisa ang mga ito dahil ang pamahalaang bayan ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang at programa upang masiguro ang mas maginhawang buhay para sa kanilang mga anak.









Comments