MAYOR JOWAR REPORTS: ANGAT DIALYSIS CENTER…KALUSUGAN MUNA, TAONG BAYAN ANG UNA!
- Angat, Bulacan
- Apr 14
- 1 min read
Updated: Apr 23

Sa kabila ng mga maling pahayag at pag-iimbento ng mga walang batayang kwento, hindi matatawaran ang katotohanan: SA ILALIM NG ADMINISTRASYON NI MAYOR JOWAR NAISIP, PINLANO, AT AGAD NA NAISAKATUPARAN ANG DIALYSIS CENTER SA BAYAN NG ANGAT.
Matapos ang ilang dekadang lumipas nang walang kongkretong aksyon, ang kasalukuyang administrasyon ni MAyor Jowar Bautista ang nagtuon ng pansin sa tunay na pangangailangan ng mamamayan sa usaping pangkalusugan.
Kaya’t isa sa binigyang prayoridad at itinayo ang kauna-unahang Dialysis Center sa bayan ng Angat upang maihatid ang abot-kaya, malapit, at maasahang gamutan para sa ating mga kababayan. Ito ay patunay na kapag ang gobyerno ay inuuna ang tao, walang dahilan para hindi maisakatuparan ang mga matagal nang ipinaglalaban. Hindi ito pangako kundi isang resulta sa ngalan ng walang pagkukunwaring malasakit sa mamamayang nangangailangan ng kalinga. Hindi ito propaganda kundi dekalidad na serbisyo.
Comentarios