Malamlam na umaga po, Angatenyo! Medyo humupa na po ang ulan. Sana ay magtuloy tuloy ang pagkalma ng panahon. Kasalukuyan po tayong nagmomonitor pa rin sa sitwasyon ng mga kababayan kasama si Kon. Wowie Santiago na may dalang pandesal para sa mga nasalanta nating kababayan.
Nauna po nating kumustahan ang mga evacuees ng Marungko. Bagamat maayos naman ang kanilang sitwasyon sa pinaglikasan, hindi pa rin maaalis ang pagkabahala nila sa epekto ng kalamidad. Binisita rin namin ang mga binahang kababayan sa Barangay Sulucan na mas piniling manatili sa kanilang tahanan sa kabila ng panganib ng baha.
Malulungkot at matamlay na tanawin ang aming inabutan pero huwag po tayo mawalan ng pag-asa. Huwag po kayong mag-alala at makakaasa kayo na aagapay sa inyo ang Pamahalaang Bayan sa abot ng makakaya.
Comentarios