Mayor Jowar, Nag-ikot sa Mga Barangay na Daanan ng Ilog Angat Bago ang Bagyong 'Uwan'
- Angat, Bulacan

- Nov 9
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagtitiyak na ligtas ang bawat Angateño, nagsimulang mag-ikot si MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista sa mga barangay na dinaraanan ng Ilog Angat ngayong araw, Nobyembre 9, 2025.
Bumaba ang Ama ng Bayan sa mga sumusunod na barangay:
Barangay Sto. Cristo
Barangay San Roque
Barangay Laog
Patuloy namang aktibo ang Emergency Operations Center sa pagkalap ng mga impormasyon at pagsubaybay sa mga barangay na maaaring maapektuhan ng bagyo.
Hinihikayat ang mga residente na maging handa at tumawag sa MDRRMO Emergency Hotline: 0923-926-3393 / 0917-710-5087 kung may emergency.









Comments