top of page
bg tab.png

Mayor Jowar, Katuwang ni Gob. Daniel sa Damayan sa Sta. Cruz



Nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa isinagawang Damayan sa Barangay Medical Mission na ginanap sa barangay Sta. Cruz.


Ito ay pinangunahan ng ating mahal na Gobernador Daniel Fernando na pangunahing tagapagsulong ng programa. Naroroon din ang Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz sa pangunguna ni Kap. Mille Cruz, mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. William Vergel De Dios, Kon. Wowie Santiago, Kon. Blem Cruz at Bokal Art Legaspi.


Ang mga mamamayan ay nakatanggap ng tulong medikal, dental, gayundin ang libreng gupit, masahe, pagbabakuna sa mga hayop at marami pang iba. Nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pagbababa ng ganitong programa na pinakikinabangan ng ating mga mamamayan upang lalong mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.


5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page