top of page
bg tab.png

Mayor Jowar, Bumisita sa Municipal Evacuation Center:Maayos na Kalagayan ng mga Evacuees, Tiniyak


ree

Sa kabila ng masamang panahon na ating nararanasan nitong mga nakakaraang araw, personal na binisita ng ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista, katuwang sina Kon. William Vergel De Dios at Kon. Darwin Calderon ang mga kababayan nating inilikas mula sa ilang barangay na naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng tubig sa mga mabababang lugar. Sinikap ng ating Punong Bayan na ligtas na mailikas ang ating mga kababayan na naninirahan malapit sa ilog nang sa gayon ay maiwasan ang sakuna.


ree

Nasa mahigit 192 na indibidwal ang matagumpay na nailikas sa ating Municipal Evacuation Center kung saan sila ay mabibigyan ng maayos na tutulugan at pangunahing mga pangangailangan. Katuwang dito ang ating MDRRMO Carlos R. Rivera Jr., MWSDO Menchie M. Bollas, Lucille Venturina, Jeremy Mariano at Angat PNP.


ree

Sa kahit anong panahon na kinakailangan ng ating mga kababayan, handa ang ating Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista upang mabilisang tugunan ang mga higit na pangangailangan ng ating mga kababayan.





Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page