top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

MAY 27, 2025 | MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE MONTHLY MEETING


Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay isinagawa ang buwanang pagpupulong para sa paghahanda sa mga aktibidad sa susunod na buwan.

Pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH1-MDRRMO ang pagpupulong kasama ang ibang kawani ng departamento. Tinalakay sa pagpupulong ang mga gagawing programa, proyekto, at mga aktibidad sa susunod na buwan.


Ilan sa mga ito ay ang mga kasanayan na gagawin ng departamento upang mas mahasa ang mga abilidad at kakayahan ng opisina lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ang buwanang pagpupulong ay isang patunay na ang MDRRMO Angat ay laging naghahanda para sa mas Handa, Ligtas, at Panatag na Bayan.

Kaisa ang Punong Bayan at MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista sa pagtitiyak sa isang mapagyabong na kaligtasan ng bawat isa.

Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page