top of page
bg tab.png

Maurine San Pedro ng Angat, Itinanghal na Bb. Bulacan World 2025


Muling nagningning ang galing at ganda ng mga Angatenyo matapos koronahan ang ating pambato na si Maurine San Pedro bilang Bb. Bulacan World 2025 sa katatapos lamang na prestihiyosong patimpalak.


Hindi lamang ang pangunahing titulo ang naiuwi ni San Pedro, dahil pormal din niyang tinanggap ang Bulacan’s Choice Award. Ang pagkilalang ito ay patunay na bukod sa kanyang angking talino at kariktan, nakuha rin niya ang suporta at pagmamahal ng madla sa buong lalawigan.


Sa isang pahayag, ipinaabot ng Municipal Tourism Office ng Angat ang kanilang kagalakan at pagbati para sa bagong reyna. Ayon sa tanggapan, isang malaking karangalan para sa bayan ng Angat na magkaroon ng isang kinatawan na nagpapakita ng tunay na gilas at inspirasyon sa mga kabataan.


Ang tagumpay ni Maurine San Pedro ay itinuturing na hudyat ng mas masiglang pagsusulong ng turismo at kultura sa bayan ng Angat. Inaasahan ang isang makabuluhang reign para sa ating reyna, dala ang pangalan ng bayan nang may dangal at husay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page