top of page
bg tab.png

Matagumpay na Naidaos ang 2nd Semester Barangay Assembly ng Barangay Baybay


ree

Baybay, Angat, Bulacan — Oktubre 25, 2025 — Matagumpay na naisagawa ang 2nd Semester Barangay Assembly ng Barangay Baybay ngayong Oktubre 25, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan at aktibong sinuportahan ng mga residente ng barangay.


Kabilang sa mga panauhing dumalo ay ang mga kinatawan mula sa PNP Angat MPS na sina PCPT Mirari Cruz, PSsg Jena Galion, PMSg Torres, at PAT John Lobu. Mula naman sa MENRO Angat, kinatawan si Ma’am Daisy del Rosario, habang si Sir Jeff Cortez ang dumalo bilang kinatawan ng DILG Angat.


Pinangunahan ang pagpupulong ni Punong Barangay Jose Ricky Delos Santos, kasama ang buong Sangguniang Barangay, SK Baybay, at mga boluntaryong miyembro ng komunidad.

Ang programa ay naging pagkakataon upang talakayin ang mga isyu, proyekto, at plano ng barangay para sa ikabubuti ng mga mamamayan. Naging makabuluhan ang pagtitipon dahil sa aktibong partisipasyon ng mga Kabarangay.


Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Barangay Council sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na pagpapatupad ng Barangay Assembly.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page