Mas Pinadaling Pagkuha ng PSA Documents sa Angat, Bukas sa Publiko sa Pamamagitan ng PSA BREQS Outlet
- Angat, Bulacan

- 9 hours ago
- 1 min read

Inanunsyo ng Angat Municipal Civil Registry Office (MCR) na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga mamamayang nagnanais kumuha ng kopya ng kanilang mga dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) tulad ng Birth, Marriage, at Death Certificates, pati na rin ang CENOMAR.
Sa pamamagitan ng PSA BREQS (Batch Request System) Outlet na matatagpuan sa loob mismo ng Pamahalaang Bayan ng Angat, mas mapapabilis at mapapadali na para sa mga Angateño ang paghiling ng mga kinakailangang dokumento nang hindi na kailangang bumiyahe pa sa mga pangunahing tanggapan ng PSA.
Ayon sa MCR, ang pagpoproseso ng mga dokumento sa pamamagitan ng BREQS ay tumatagal ng dalawang (2) linggo.
Para sa mga magsusumite ng aplikasyon ngayong linggo, narito ang mga mahahalagang petsa na dapat tandaan:
Araw ng Paghiling (Request Dates): Hunyo 22 hanggang Hunyo 24, 2026
Huling Araw at Oras ng Pagtanggap (Cut-off Date & Time): Hunyo 24, 2026 (Miyerkules), sa ganap na ika-3:00 ng hapon
Araw ng Pagkuha (Release Date): Hulyo 6, 2026
Bukas ang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Pinaaalalahanan din ng Municipal Civil Registry Office ang lahat ng aplikante na ipinatutupad ang patakarang "Strictly No Payment, No Process" upang masiguro ang maayos at mabilis na transaksyon.









Comments