Marungko at Sulucan Senior Citizens, Nakakuha ng FREE Bone Screening at Calcium Tablets
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 1 min read

Nagpatuloy ang inisyatiba ng Rural Health Unit (RHU) Angat sa paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga Senior Citizens ng bayan matapos magsagawa ng FREE Bone Screening ngayong araw, Nobyembre 27, 2025.
Ang screening ay idinaos para sa mga nakatatanda mula sa Barangay Marungko at Sulucan at ginanap sa Marungko Multipurpose Hall.
Isinagawa ang bone screening sa pakikipagtulungan ng Multicare Pharmaceutical. Bukod sa screening, nagbigay din ang RHU ng libreng Calcium tablets sa mga senior upang mapangalagaan ang kanilang bone health.









Comments