Special Non-Working Day in the Province of Bulacan
Ngayong araw, ika-30 ng Agosto, ating ipinagdiriwang ang kapanganakan ng isang dakilang bayani at propagandista, si Marcelo H. del Pilar. Isinilang sa bayan ng Bulakan, Bulacan, si Del Pilar ay naging kilala bilang "Plaridel" at nagsilbing mahalagang boses ng Kilusang Propaganda laban sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol.
Sa pamamagitan ng kanyang mga sulatin, ginising ni Del Pilar ang damdamin ng mga Pilipino para ipaglaban ang kalayaan at katarungan. Bilang pagkilala sa kanyang mga ambag, idineklara ang araw na ito bilang Special Non-Working Holiday sa buong lalawigan ng Bulacan.
Comments