Maraming Salamat po sa Pagkilala, DSWD-RO3
- Angat, Bulacan
- Jul 5
- 1 min read

Maraming salamat po sa pagkilala na iginawad ng Department of Social Welfare and Development Regional Office 3 (DSWD-RO3) na pagkilala sa ating pagsisikap na maipatupad ang Local Social Pension Program for Senior Citizens.
Ang programa pong ito ay inilunsad natin sa kalagayang marami pa rin sa mga nangangailangan nating senior citizens ang hindi kabilang sa National Social Pension. Bagamat limitado pa rin po ang naiukol na pondo ng ating pamahalaang bayan para dito, umaasa po kami na kahit paano ay nakapaghatid tayo ng saya sa mahal nating mga lolo at lola.
Ang Local Social Pension po ay sinimulan natin noong unang bahagi pa lamang ng aking panunungkulan bilang Punong Bayan noong 2022. Isa po ito sa prayoridad nating program ana isinasagawa dalawang beses sa isang taon.
コメント