Mandatory Security Guard: Angat LGU, Nag-utos sa High-Risk Financial at Convenience Stores
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Naglabas ng mahalagang abiso ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) Angat hinggil sa pagpapatupad ng Resolution No. 2023-060.
Ang resolusyon na ito ay nag-uutos sa lahat ng financial establishments, convenience stores, at iba pang katulad na establishments na itinuturing na high risk sa loob ng hurisdiksyon ng munisipyo na mag-empleyo ng security guards sa kanilang area of operation.
Hinihikayat ang lahat ng apektadong negosyo na sumunod sa naturang resolusyon bilang pagpapatibay sa kaligtasan ng komunidad.









Comments