MAMAMAYAN AT OPISYAL NG BRGY. DONACION, NAGTULUNGAN SA BARANGAY KALINISAN DAY
- Angat, Bulacan

- Jul 13
- 1 min read

Nakiisa ang Sangguniang Barangay ng Donacion, kasama ang masisipag na kawani nito, sa ginanap na malawakang clean-up drive kaugnay ng pagsusulong ng ”Barangay Kalinisan Day” nitong Sabado, Hulyo 11, 2026.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga opisyal at kawani ng barangay, matagumpay na nilinis ang iba’t ibang kalsada, kanal, at pampublikong lugar sa paligid upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang mga sakit na dulot ng maruming kapaligiran.
Muling nagpaalala at nanawagan ang pamunuan ng barangay sa lahat ng mamamayan na maging responsable at patuloy na makiisa sa pangangalaga sa kalikasan.
Inaasahan ang patuloy na pakikipagtulungan ng bawat residente upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang buong Barangay Donacion.









Comments