MALINIS NA KAPALIGIRAN, KONTRA SAKIT: CLEAN-UP DRIVE, ISINAGAWA SA BRGY. DONACION
- Angat, Bulacan

- Jul 19
- 1 min read

Nakiisa ang Sangguniang Barangay ng Donacion, kasama ang masisipag na kawani nito, sa ginanap na malawakang clean-up drive kaugnay ng pambansang pagsusulong ng ”Barangay Kalinisan Day” nitong Sabado, Hulyo 18, 2026.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga opisyal at kawani, matagumpay na nilinis ang mga pampublikong lugar, kalsada, at daluyan ng tubig sa paligid ng barangay upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang anumang banta ng sakit na dulot ng dumi sa kapaligiran.
Kaugnay nito, nagpaalala at nanawagan ang pamunuan ng barangay sa lahat ng mamamayan na maging responsable at patuloy na suportahan ang mga ganitong layunin.
Inaasahan ang patuloy na pagkakaisa ng bawat residente ng Barangay Donacion upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang buong pamayanan.









Comments