Pagbati at Maligayang Pagdating sa bagong talagang Hukom sa Pambayang hukuman sa Paglilitis sa bayan ng Angat, Judge Irene Arceo-Dela Cruz.
Si Judge Dela Cruz ay naging kasapi ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) mula pa noong Mayo 2013 at ng IBP-Bulacan Chapter mula Agosto 2013. Ginugol niya ang siyam na taong sa serbisyo sa Philippine Postal Corporation, sa Department of Justice, at sa Regional Trial Court ng Maynila at sa Sandiganbayan.
Inaasahan po namin ang inyong pagsusulong at pagpapatupad ng may piring na katarungan sa pagganap ng inyong propesyon bilang hukom sa aming bayan. Ang Pamahalaang Bayan ng Angat po ay laging nakasuporta sa inyong tanggapan.
Comments