top of page
bg tab.png

Maligayang Kaarawan po, Senator Joel “TESDAMAN” Villanueva!

ree

Isang maalab na pagbati ng kaarawan para sa isang natatanging lingkod-bayan na patuloy na nagsusulong ng tapat, makatao, at makabuluhang serbisyo para sa bawat Pilipino. Sa bawat panukalang batas na inyong isinusulong at sa bawat adhikain na inyong ipinaglalaban, tunay na ramdam ang inyong malasakit sa sektor ng edukasyon, kabuhayan, at sa pangkalahatang kaunlaran ng sambayanan.


Nawa’y patuloy po kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng malusog na pangangatawan, malinaw na kaisipan, at pusong laging handang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Ang inyong dedikasyon ay hindi lamang inspirasyon sa mga kapwa ninyo lingkod-bayan, kundi isa ring huwaran para sa bagong henerasyon ng mga Pilipinong nagnanais maglingkod ng buong puso.


Lubos po ang aming pasasalamat sa walang sawa ninyong pagtulong at pagbibigay-suporta sa bayan ng Angat at sa lahat ng mga Angateño. Mula sa aming mga puso, maraming salamat po.


Muli, isang maligaya, makabuluhan, at pinagpalang kaarawan po sa inyo, Senator Joel “TESDAMAN” Villanueva!

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page